Thursday, May 26, 2011

Silip lang...

Ang scenario: Gusto ni Daddy ilipat ang channel ng tv. eh nanonood si Janell ng Nickelodeon.  Basahin ang kanyang tangkang makapanood ng tv... 

Daddy: Nell lipat natin tv ha? may sisilipin lang ako.
Janell: eeeeeeee! (reklamo agad)
Daddy: wait lang anak, check ko lang kung ano sinasabi sa balita. bilis lang po.
Janell: bakit nonood ka nyan? ayaw ko yan eh!
Daddy: wait lng po, kasi nag rarain pakikinggan ko lng kung nasaan na ung bagyo.
Janell: ano un? (referring to "bagyo")
Daddy: (tumawa) typhoon anak, yung malakas na rain.
Janell: bakit kikinggan mo? kasi babaha?
Daddy: Opo baka mag baha eh.
Janell: Bakit, ayaw mo babaha? kasi matatakot tayo?
Daddy: Opo para alam natin, para makapaghanda tyo kung babaha.
Janell: ano un? (referring to "makapaghanda")
Daddy: (tawa ulit) mag reready tayo anak.
Janell: Bakit po? Kasi para hndi babasa gamit natin?
Daddy: Opo para hndi masira saka para maakyat natin agad ung mga toys mo at milk.
Janell: (nag smile) Bakit Dad? Kasi iiyak ako?
Daddy: (nag smile din) Opo pag naubos toys mo baka umiyak ka eh.
Janell: (giggling) eh di bibili na lang tayo ulit.
Daddy: Nako wala na tayong money ang mahal ng toys mo eh.
Janell: (nagisip) Bakit sabi ni Mama (lola) mura lang toys? Kasi liit lang?
Daddy: eh si Mama maraming money.
Janell: Bakit kaw wala? San na money mo?
Daddy: Nako manood ka na nga lang. yan na! (sabay lipat ng channel)
--
Ako: kala ko mananalo ka na eh, bibigay ka rin pala hahaha!
Daddy: Kulit ng anak mo eh! wala rin akong naintindihan sa balita!

Wednesday, May 18, 2011

Naughty! Naughty!

My youngest is quite naughty and playful as you may say it…  here is an example:

I’m breastfeeding her..  then suddenly she paused.  Stared at me for some reason, and then in slow motion clench her upper gums and two bottom teeth to bite my nipple.  The millisecond I realize what she was going to do I yelled her name (in angry voice) “Jillian!”  She stopped in mid-action. Released my nipple and then smiled at me playfully.  After that she went back to feeding again...  just like that. 

Jillian: try ko lang mommy kung magagalit ka!

Wednesday, May 11, 2011

The Flowers and the Bees question..

I said to myself.. I'm going to be ready when my daughters will ask me about the "flowers and the bees" question.  sabi ko pa sa asawa ko, akong ituro mo kapag nagtanong baka kung ano pang isagot mo eh, kung ano pang matutunan...

then one day... nagbibihis kami ng panganay ko, she's 4 yrs. old.  out of the blue she asked...
"Mom, pano nalagay ni daddy si Jillian sa tiyan mo?"

I paused.. (nag isip.. sasagutin ko ba ito? ang aga namang magtanong! maiintindihan na ba nya?) .. then I smiled and said. "hmm... magic un anak! magic!"

"eh pano nga po?  ni-shoot sa pepe mo?"

At this moment I laughed out loud!  I felt my face turned red!  She doesn't realize how awkward her question is and yet she is so cute for asking,  she looks so innocent!  I tried to dismissed the topic...  ang sabi ko na lang.. "alam mo anak, si Papa Jesus ang nagbigay ng baby sa tyan ko." "wag mo na munang itanong hndi mo pa alam un eh.."

Janell: "eh pano un nalagay? sabi mo kasi sa akin!"

Ako ulit .. :  "Magic nga ni Papa Jesus.. ay start na si Spongebob oh!" (sabay turo ko sa tv hahaha!)

medyo pansamantalang naagaw ang attensyon... (hay salamat!) pero nung makita ung daddy nya, itinanong rin  ung tinanong sa akin.  ang tawa ng daddy nya sabay sabing "tanong mo sa mommy mo!"

This time hndi ko na binigyan ng chance magtanong ulet.. kumuha ako ng pera sabay yaya sa kanya sa tindahan para bumili ng gusto nya..  (saka ka na magtanong anak pagmalaki ka na!)  haay! nakaka-stress! hahaha!

Monday, May 9, 2011

Nabuhay

Wow.. more than a year since I last posted here... ganun na pala katagal.. I thought I have totally forgot my login details in this blogsite... buti na lng hndi. kalawangin pa namn ang memorya ko. hehe.


I started here na ang bida lang ay si Janell.. and now I have two daughters ... meron na namn akong bagong ibibida.  Sympre bida pa rin si Ate Janell (she's now 4 yrs. old) pero meron ng sisingit sa limelight nya .. si Jillian now 8 months old.


so my next blog post will be the adventures of my two bidas ng buhay ko.. hehe